Bakit Ako Tanga? 09-07-09
by , 09-17-2009 at 09:03 AM (1026 Views)
Napakahirap mong abutin,
Hindi ka maalis sa isip,
Lagi kang nasa puso,
Alaala at ulirat.
Bakit ako tanga?
Bakit kita minahal?
Bakit ako naging bulag?
Bakit? Bakit?
Wala akong maisagot
Sa aking mga tanong,
Ang alam ko lang,
Ako ay ako
Hindi mababago.
Ang buhay na nasa sinapupunan ko,
Bunga ng pagsasama natin,
Ng - hindi ko matanto
Kung inibig mo ba ako
Nang mula sa iyong puso.
Bahala na...
Basta, ako...
Magmamahal pa rin
Sa iyo...
Sino ka man,
Ama ka ng anak ko,
At ikaw pa rin ang mahal ko.









Email Blog Entry

