Paglisan 09-11-09
by , 09-17-2009 at 09:19 AM (1033 Views)
Kung ang buhay ay isang umagang nakangiti
At ikaw ay ang lupang sinusuyo ng bituin
Di mo man silip ang langit
Ito'y nandirito pa rin.
Sa pagbuhos ng ulan
Sa haplos ng hangin
Alaala mo ay
Nakaukit sa pisngi ng langit
Di man umihip ang hangin
Ika'y nandirito pa rin.
Kung ang lahat ay may katapusan
Itong paglalakbay
Ay makakarating din sa paroroonan
At sa `yong paglisan
Ang tanging pabaon ko
Ay pag-ibig.
(Color It Red)









Email Blog Entry

